sponsorships

Pagtataguyod ng Matagumpay na Pakikipagpartner para sa Aming mga Kliyente

FOOTBALL

FORMULA

RUGBY

eSPORTS

FOOTBALL

2020-2023

Paris Saint-Germain F.C.

Ikinararangal namin maging taga-suporta at opisyal na kawaksi ng Paris Saint-Germain F.C., ang pinakamatagamupay na football team na Pranses. Hatid ng aming pasyon upang magtagumpay at umabot sa tuktok, gumawa kami ng 8-step na gabay para sa mga trader upang pagalingin ang kanilang kakayahan sa trading.

eSPORTS

2019

Santos HFM eSports

Nakipagsanib-pwersa ang HFM sa Santos esports, na siyang kabilang sa isa sa mga pinakamalalaking mga eSports na samahan sa buong mundo, upang ilunsad ang pinakaunang pagsasanib-pwersa ng broker at ng esports. Ang mga trader at ang mga fans ng esports ay nakatuklas ng maraming nakabahaging mga katangian na maaaring tulungan ang mga manlalaro sa mga paligsahan at sa merkado.

RUGBY

2019

Tendai “The Beast” Mtawarira

Ikinararangal naming maging kasangga si Tendai 'the Beast' Mtawarira, ang pambansa at Super Rugby na manlalaro na kaisa namin sa aming pagsisikap na maging numero uno sa aming mga larangan!

KARERA

2019

Porsche Mobil 1 Supercup

Ikinararangal ng HFM na i-sponsor ang racer na mula Cyprus na si Tio Ellinas para sa ikalimang sunod na taon, sa pagkakataong ito'y sa Porsche Mobil 1 Supercup, ang pinakakompetitibo mula sa mga seryeng one-make na Porsche sa buong mundo.

SINEHAN

2018

Sean Bean

Nakipagsanib-pwersa ang HFM sa maalamat na artistang si Sean Bean – na kilala sa kanyang pagganap bilang si “Lord Stark” sa seryeng Game of Thrones – na aming ipi-feature sa aming eksklusibong pang-edukasyong webinar para sa aming mga kliyente, kung saan susuriin ang industriya ng forex at paliliwanagin ang mga pangunahing konsepto nito.

KARERA

2018

Porsche Carrera Cup GB 2018 Champion – Marangal na Sponsor

Marangal na sponsor ang HFM ng race driver na si Tio Ellinas sa Porsche Carrera Cup na ginanap sa Britanya noong taong 2018 – Kinoronahan si Tio bilang kampyon ng 2018 Porsche Carrera Cup GB.

FOOTBALL

2017

Michael Ballack

Nakipagkasunduan ang HFM sa isang opisyal na kolaborasyon kabilang ang tanyag sa mundo na alamat ng foortball, ang Aleman na si Michael Ballack, kung saan ang manlalaro ay nagbibigay ng mahahalagang mga tip sa mga trader upang pagbutihin ang kanilang kakayahan sa trading.

FORMULA

2015

Serye ng Kampyonato ng Formula Renault 3.5

Isang malaking karangalan sa amin na maisponsor si Tio Ellinas, sa kanyang unang panalo sa seryeng Silverstone Formula Renault 3.5 Series, kabilang ang Strakka Racing team.

VOLLEYBALL

2015

European University Sports Association (EUSA)

Ikinararangal ng HFM na maging sponsor sa ika-10 European Universities Beach Volleyball Championship na ginanap sa Cyprus -ang pinakamalaking beach volley event na ginanap sa Cyprus.

FORMULA

2013

Tio Ellinas – Ang unang Taga-CYprus na nagmaneho ng sasakyang Formula One

Malugod na ikinararangal ng HFM na maging sponsor ng race driver na taga-Cyprus na si Tio Ellinas na sumali sa Marussia Manor Racing para sa GP3 Series season ng taong 2012. Si Ellinas ang unang taga-Cyprus na nagmaneho ng sasakyang Formula One.

Mga Pinahahalagahan ng HFM at ng mga Kapartner nito

Determinasyon

Pagsisikapo

Inobasyon

Kahusayan

Pagsasanay

Sa HFM, alam namin na ang kasangkapan para sa perkpetong pakikipagkaisa
ay isang pinagkakaisahang pagsisikap magtagumpay.